Miyerkules, Hunyo 8, 2011

PROBLEMA SA ESKWELA


Nagsimula na ang pasukan. Sumalubong sa mga estudyante sa public school ang mga problema katulad ng walang katapusang kakulangan sa klasrum, guro, at mga upuan. Sinalubong din sila ng mga hindi maayos na mga palikuran o comfort rooms. Paano naman magiging komportable ang mga mag-aaral kung pati ang mga CR ay sira-sira, walang ilaw at tubig? Meron din mga palikuran ang nakapandidiri at nakasusulasok ang mga amoy. Dahil dito, nawawalan ng gana ang mga estudyante na gumamit ng palikuran at aantayin na lang ang uwian para duon maka-ihi sa mga bahay nila. Aba! Baka naman magkasakit sila sa bato niyan!
Sinalubopng din sila ng panibagong problema este programa ng Department of Education o DEPED. Ang K+12 Program o ang pagdadagdag ng dalawang taon sa hayskul sa mga mag-kikinder ngayong taon. Required na rin ang mga kindergarten sa mga public school. Dahil sa programang ito, nangangailangan siguro ang DEPED ng dagdag na pondo para sa dumagdag na problema ng kulang na klasrum at mga guro.
Nagulat din ako ng sabihin ni Secretary Armin Luistro sa isang interbyu na hindi pa handa ang halos 45 000 schools para sa programang ito at kulang pa ang pondo natin na Php 280 Billion para dito. Base na rin sa una kong blog,(http://blazeofryan.blogspot.com/2011/05/estudyante-sa-eskwela.html) sinabi ko na dito ang mga problema ng mga public school at kung saan napupunta ang mga pondo ng DEPED kaya nananatiling kulang pa rin ito.
Kahit na Pilipinas na lang ang may 10-year basic Education sa buong Southeast Asia, wala pa tayong sapat na pondo para sa dagdag na dalawang taon sa hayskul, paupuin muna nila ang mga batang nakaupo sa sahig at paluwagin ang mga klasrum bago pa nila sabihing handa na sila sa K+12 program.  Sagot naman ng DEPED, kailangan daw itong programa para mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Napag-usapan na naman kalidad ng edukasyon. Kahit na anong gawin ng ahensya ay walang mangyayari unless masolusyonan nila ang mga kulang na mga kagamitan. Paano rin ba mapapataas ang edukasyon kung marami naming mga bata ang di nakakapag-aral?
Palibhasa kasi ung sekretarya ay di nakaranas mag-aral sa public school at nasa eskwelahang berde.
Naalala ko pa nga nung ako ay grade 5 at 6 sa isang pampublikong paaralan ako nag-aral.  Php 350 ang singil sa PTA at kapag di ka kumpleto sa bayarin ay hindi marerelease ang Report Card mo. Ang bilang namin sa isang klasrum nung ako ay grade 5 ay 55 at 50 naman ng grade 6. Nasa mababang lugar ang klasrum namin kaya mainit. Wala din itong 2nd floor at hindi hihigit sa 35 ang bilang ng klasrum. Pinag-isa na rin ang H.E. Lab at ang Faculty Room ng mga titser. Medyo malaki ang library kaya ginawa na itong klasrum at pati ang stage.
Ang palikuran namin nung grade 5 ay mabaho pero may tubig naman at ito ay pinaayos nung ako ay grade 6 na. Sosyal naman ang palikuran ng mga guro naming dahil bagama’t maliit, maganda naman ang loob samantalang ang CR naming nuon ay gawa lang sa semento at wala pang pituan ang mga cubicle. Maririnig mo rin ang mga sinasabi ng mga baba sa kabilang CR dahil di nakasemento ang itaas na bahagi ng palikuran.
Siguro ay nagkulang sa pondo ang aming paaralan kaya di masyadong naayos ang mga pasilidad nito.
Maswerte nga kaming mga mag-aaral kasi walang nakasalampak sa amin sa sahig at lahat ay may upuan.
Ayon naman sa DEPED, lahat daw ng mga sobrang upuan ay kukunin sa mga paaralan para ibigay sa mga eskwelahang nangangailangan nito. Baka naman kapag binigay nila ay babawiin din dahil baka dumoble ang bilang ng mga enrolees sa susunod na taon.
Doon naman sa public school ko dati, mataas pa rin ang kalidad ng edukasyon dahil magaling magturo ang mga guro doon. Nagsasakripisyo pa rin sila kahit maiingay ang mga estudyante nila. Pinupuri ko ang mga guro ko noong grade 5 and 6. MABUHAY kayong lahat! Salamat sa inyong pagtuturo.
Tama din naman ang sinabi ng kagawaran na wala pa silang magagawa sa ngayon sa lahat ng problema nila. Pero sana bago sila magpatupad ng programa, isipin muna nila ang pondong kakailanganin bago nila ito ipatupad.
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Please make this blog clean.Your comment shall not contain foul or vulgar words. Any comments with these words will be deleted by the author.

Your comment is reflected in your own personality. So please, do not comment here that is against the author. Thank you very much and may the Good Lord bless you!