Miyerkules, Hunyo 8, 2011

GANDANG PILIPINAS


Maraming turista ang bumibisita sa ating bansa para mamasyal sa iba’t-ibang magagandang tanawin ng Pilipinas tulad ng Boracay at ang Mayon Volcano. Mayaman din tayo sa lamang-dagat tulad ng bangus, tilapia at iba pang lamang-dagat na nasa ilalim ng magagandang dagat at karagatan. Pero isa na naming problema ang kinakaharap ngayon. Umuunti ang mga turista na dumadating sa bansa para magbakasyon. Unti-unti na ring nasisira ang magagandang tanawin dito.

Isa pa ay ang mga nadadamay na mga dayuhan sa mga ginagawang pagkakamali ng mga kababayan natin. Tulad na lang ng nangyari nung isang taon kung saan isang pulis ang nang-hostage ng mga dayuhan na gusto lamang bumisita sa bansa para mamasyal. Halos sampu ang mga nasawing turista sa pangyayaring ito at ikinatakot ng iba pang dayuhan na gusto pang bumisita sa bansa. Marami rin sa kanila ang nagpa-cancel ng kani-kanilang mga flights sa Pinas dahil sa takot.

Dahil dito, bumaba ang mga turistang bumibisita sa bansa at nagpalabas ng advisory ang bansang HONGKONG na huwag munang magpunta sa bansa natin. Naapektuhan ang ekonomiya natin. Buti na lang at isang buwan matapos ang kagimbal-gimbal na pangyayari  ay unti-unting nagbalik sa normal ang turismo sa bansa.

Kakaiba talaga ang charisma  ng Pilipinas. Mautak talaga tayo.

Number 1 pa rin sa mga listahan ng mga turista Boracay island. Di nawawalan ng mga tao ang lugar na ito. Malinis na malinis ang dagat dito at maganda rin ang buhangin. Marami pang tanawin dito na pwede nating puntahan tulad ng nasa Puerto, Princesa sa Palawan. Pero unti-unti na ring nasisira ang Palawan dahil sa WAGAS na pagmimina. Kaya naman bumuo na ang isang istasyon ng telebisyon ng samahan para ipaglaban at kontrahin ang pagmimina sa Palawan.

Sikat din ang Underground River na makikita sa Palawan. Kaya naman nasali pa ito sa 7 wonders of the nature. Tulad nga ng nasabi ko kanina, nasisira na ang iba-tiba pang tanawin sa Palawan. GANDANG PILIPINAS talaga ang dapat itawag sa bansa.

Isa pang magandang tanawin ang mga mayayamang anyong-tubig natin. Kaso nga lang, may mga nangamatay na mga isda sa Batangas at Pangasinan na naging dahilan ng paglaki ng bawas ng turismo sa mga lugar na ito. Masangsang na kasi ang amoy sa mga lugar na apektado ng fishkill kaya nawawalan sila ng turista. Sabi na nga ba e. Pati ang Manila Bay ay dumudumi na rin ang tubig dahil sa sobrang dami ng basura sa look na ito. Kaya naman kapag bumabagyo ay humahampas ang alon sa seawall na ang katabi ay kalsada. May kasama nang basura ang alon na dinadala nito. Kung inyong maaalala ay ditto nangyari ang battle of Manila Bay noong panahon ng Amerikano.

Tunay ngang maganda SANA ang bansa kapag inalagaan natin ang likas yaman natin. Hindi pa siguro huli ang lahat para mabago natin ang mga maruruming mga ilog at gawin itong malinis muli. Sana ay matuto na tayo sa nangyari noong mga nakalipas na mga trahedya dahil sa mga ganti ng kalikasan. Gumanti ito sa atin kasabay ng pagsira sa mga magagandang mga tanawin natin. GANDAN NG PILIPINAS!

1 komento:

  1. Ryan,
    You'll definitely make a good writer. Keep it up, and always commit your ways to the Lord.

    Grace to you,
    Jeph

    TumugonBurahin

Please make this blog clean.Your comment shall not contain foul or vulgar words. Any comments with these words will be deleted by the author.

Your comment is reflected in your own personality. So please, do not comment here that is against the author. Thank you very much and may the Good Lord bless you!