Miyerkules, Hunyo 8, 2011

PROBLEMA SA ESKWELA


Nagsimula na ang pasukan. Sumalubong sa mga estudyante sa public school ang mga problema katulad ng walang katapusang kakulangan sa klasrum, guro, at mga upuan. Sinalubong din sila ng mga hindi maayos na mga palikuran o comfort rooms. Paano naman magiging komportable ang mga mag-aaral kung pati ang mga CR ay sira-sira, walang ilaw at tubig? Meron din mga palikuran ang nakapandidiri at nakasusulasok ang mga amoy. Dahil dito, nawawalan ng gana ang mga estudyante na gumamit ng palikuran at aantayin na lang ang uwian para duon maka-ihi sa mga bahay nila. Aba! Baka naman magkasakit sila sa bato niyan!
Sinalubopng din sila ng panibagong problema este programa ng Department of Education o DEPED. Ang K+12 Program o ang pagdadagdag ng dalawang taon sa hayskul sa mga mag-kikinder ngayong taon. Required na rin ang mga kindergarten sa mga public school. Dahil sa programang ito, nangangailangan siguro ang DEPED ng dagdag na pondo para sa dumagdag na problema ng kulang na klasrum at mga guro.
Nagulat din ako ng sabihin ni Secretary Armin Luistro sa isang interbyu na hindi pa handa ang halos 45 000 schools para sa programang ito at kulang pa ang pondo natin na Php 280 Billion para dito. Base na rin sa una kong blog,(http://blazeofryan.blogspot.com/2011/05/estudyante-sa-eskwela.html) sinabi ko na dito ang mga problema ng mga public school at kung saan napupunta ang mga pondo ng DEPED kaya nananatiling kulang pa rin ito.
Kahit na Pilipinas na lang ang may 10-year basic Education sa buong Southeast Asia, wala pa tayong sapat na pondo para sa dagdag na dalawang taon sa hayskul, paupuin muna nila ang mga batang nakaupo sa sahig at paluwagin ang mga klasrum bago pa nila sabihing handa na sila sa K+12 program.  Sagot naman ng DEPED, kailangan daw itong programa para mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Napag-usapan na naman kalidad ng edukasyon. Kahit na anong gawin ng ahensya ay walang mangyayari unless masolusyonan nila ang mga kulang na mga kagamitan. Paano rin ba mapapataas ang edukasyon kung marami naming mga bata ang di nakakapag-aral?
Palibhasa kasi ung sekretarya ay di nakaranas mag-aral sa public school at nasa eskwelahang berde.
Naalala ko pa nga nung ako ay grade 5 at 6 sa isang pampublikong paaralan ako nag-aral.  Php 350 ang singil sa PTA at kapag di ka kumpleto sa bayarin ay hindi marerelease ang Report Card mo. Ang bilang namin sa isang klasrum nung ako ay grade 5 ay 55 at 50 naman ng grade 6. Nasa mababang lugar ang klasrum namin kaya mainit. Wala din itong 2nd floor at hindi hihigit sa 35 ang bilang ng klasrum. Pinag-isa na rin ang H.E. Lab at ang Faculty Room ng mga titser. Medyo malaki ang library kaya ginawa na itong klasrum at pati ang stage.
Ang palikuran namin nung grade 5 ay mabaho pero may tubig naman at ito ay pinaayos nung ako ay grade 6 na. Sosyal naman ang palikuran ng mga guro naming dahil bagama’t maliit, maganda naman ang loob samantalang ang CR naming nuon ay gawa lang sa semento at wala pang pituan ang mga cubicle. Maririnig mo rin ang mga sinasabi ng mga baba sa kabilang CR dahil di nakasemento ang itaas na bahagi ng palikuran.
Siguro ay nagkulang sa pondo ang aming paaralan kaya di masyadong naayos ang mga pasilidad nito.
Maswerte nga kaming mga mag-aaral kasi walang nakasalampak sa amin sa sahig at lahat ay may upuan.
Ayon naman sa DEPED, lahat daw ng mga sobrang upuan ay kukunin sa mga paaralan para ibigay sa mga eskwelahang nangangailangan nito. Baka naman kapag binigay nila ay babawiin din dahil baka dumoble ang bilang ng mga enrolees sa susunod na taon.
Doon naman sa public school ko dati, mataas pa rin ang kalidad ng edukasyon dahil magaling magturo ang mga guro doon. Nagsasakripisyo pa rin sila kahit maiingay ang mga estudyante nila. Pinupuri ko ang mga guro ko noong grade 5 and 6. MABUHAY kayong lahat! Salamat sa inyong pagtuturo.
Tama din naman ang sinabi ng kagawaran na wala pa silang magagawa sa ngayon sa lahat ng problema nila. Pero sana bago sila magpatupad ng programa, isipin muna nila ang pondong kakailanganin bago nila ito ipatupad.
 

GANDANG PILIPINAS


Maraming turista ang bumibisita sa ating bansa para mamasyal sa iba’t-ibang magagandang tanawin ng Pilipinas tulad ng Boracay at ang Mayon Volcano. Mayaman din tayo sa lamang-dagat tulad ng bangus, tilapia at iba pang lamang-dagat na nasa ilalim ng magagandang dagat at karagatan. Pero isa na naming problema ang kinakaharap ngayon. Umuunti ang mga turista na dumadating sa bansa para magbakasyon. Unti-unti na ring nasisira ang magagandang tanawin dito.

Isa pa ay ang mga nadadamay na mga dayuhan sa mga ginagawang pagkakamali ng mga kababayan natin. Tulad na lang ng nangyari nung isang taon kung saan isang pulis ang nang-hostage ng mga dayuhan na gusto lamang bumisita sa bansa para mamasyal. Halos sampu ang mga nasawing turista sa pangyayaring ito at ikinatakot ng iba pang dayuhan na gusto pang bumisita sa bansa. Marami rin sa kanila ang nagpa-cancel ng kani-kanilang mga flights sa Pinas dahil sa takot.

Dahil dito, bumaba ang mga turistang bumibisita sa bansa at nagpalabas ng advisory ang bansang HONGKONG na huwag munang magpunta sa bansa natin. Naapektuhan ang ekonomiya natin. Buti na lang at isang buwan matapos ang kagimbal-gimbal na pangyayari  ay unti-unting nagbalik sa normal ang turismo sa bansa.

Kakaiba talaga ang charisma  ng Pilipinas. Mautak talaga tayo.

Number 1 pa rin sa mga listahan ng mga turista Boracay island. Di nawawalan ng mga tao ang lugar na ito. Malinis na malinis ang dagat dito at maganda rin ang buhangin. Marami pang tanawin dito na pwede nating puntahan tulad ng nasa Puerto, Princesa sa Palawan. Pero unti-unti na ring nasisira ang Palawan dahil sa WAGAS na pagmimina. Kaya naman bumuo na ang isang istasyon ng telebisyon ng samahan para ipaglaban at kontrahin ang pagmimina sa Palawan.

Sikat din ang Underground River na makikita sa Palawan. Kaya naman nasali pa ito sa 7 wonders of the nature. Tulad nga ng nasabi ko kanina, nasisira na ang iba-tiba pang tanawin sa Palawan. GANDANG PILIPINAS talaga ang dapat itawag sa bansa.

Isa pang magandang tanawin ang mga mayayamang anyong-tubig natin. Kaso nga lang, may mga nangamatay na mga isda sa Batangas at Pangasinan na naging dahilan ng paglaki ng bawas ng turismo sa mga lugar na ito. Masangsang na kasi ang amoy sa mga lugar na apektado ng fishkill kaya nawawalan sila ng turista. Sabi na nga ba e. Pati ang Manila Bay ay dumudumi na rin ang tubig dahil sa sobrang dami ng basura sa look na ito. Kaya naman kapag bumabagyo ay humahampas ang alon sa seawall na ang katabi ay kalsada. May kasama nang basura ang alon na dinadala nito. Kung inyong maaalala ay ditto nangyari ang battle of Manila Bay noong panahon ng Amerikano.

Tunay ngang maganda SANA ang bansa kapag inalagaan natin ang likas yaman natin. Hindi pa siguro huli ang lahat para mabago natin ang mga maruruming mga ilog at gawin itong malinis muli. Sana ay matuto na tayo sa nangyari noong mga nakalipas na mga trahedya dahil sa mga ganti ng kalikasan. Gumanti ito sa atin kasabay ng pagsira sa mga magagandang mga tanawin natin. GANDAN NG PILIPINAS!

Linggo, Hunyo 5, 2011

KORUPSYON SA BAYAN NI JUAN

Alam naman natin na matagal nang mahirap ang bayan ni juan. At ang sanhi...

ang KORAPSYON sa BAYAN ni JUAN.

Naghihirap na nga ang mga Pilipino, ang gobyerno nman ay nagpapakayaman. Tulad na lang nang nangyari sa nakaraang administrasyon. Ilang beses na itong nangyayari. Pero wala namang nagagawang solusyon ngayon.

Ang sabi ng gobyerno, susugpuin nila ang korupsyon para wala ng maghirap. Pero anong nangyari?WALA! Marami pa rin ang naghihirap, maghihirap at nagpapakahirap. Hay naku! Wala ata tayong mapapala. Tila napako na ang mga pangako. Nakalimutan na ang mga pangako.

ANG PILIPINAS AY BANSANG PINAGPALA
SA MAYAMANG TUBIG AT LUPA

NGUNIT MAY ISANG PROBLEMA
KAILANMAN AY HINDI PINAGPALA
ANG KORAPSYON SA BANSA
TILA LUMALALA

Tama ang sinabi sa maikling tula na 'yan. Pinagpala ang ating bansa sa mayamang lupa pero hindi pinagpapala ang korapsyon na lumalala.

Meron akong kaklase na gumawa ng tula, tungkol sa Korapsyon:

Korapsyon

Nagpakahirap ng sobra-sobra,
nawala lang sa isang abrakadabra,
yumayaman ng kay bilis,
habang ang mamamayan ang halos
kumain na ng ipis,
lahat, kanila ang pag-aari,
ngayon tuloy tayo'y walang maani.
Pwede ba'ng itigil na ito?
sabik na sabik na kami sa
inyong pagbabago.
Sana kayo ay magambala,
at gumana ang aking paalala,
dahil isang araw,
kalye ang inyong gala,
kasama ang mapapait ninyong alaala.

 From: Billy Urrutia's notes entitled, KORAPSYON
Copyrighted (with permission from the author)

Ayon sa tula, "yumayaman ng kay bilis, habang ang mga mamayan ay halos kumain na ng ipis".
Yumayaman naman tlga ang mga kurakot hbang ang mga Pilipino ay naghihirap.

Sabik na sabik na rin ang mga Pilipino sa pagbabago.
Hiniling ng tula na sana ay gumana ang kanyang paalala.

Pero, hanggang ngayon, may mga tao pa rin na tiwali. Gustong yumaman hbang nghihirap ang bayan.
Ang mensahe ko lang sa mga tiwali,  MAGBAGO NA KAYO. SABIK NA SABIK NA KAMI SA PAGBABAGO NG BANSANG ITO. TAMA NA. ITIGIL NA 'YAN. DARATING DIN ANG ARAW AT KAYO AY MAGHIHIRAP DIN.
An editorial cartoon about corruption.

Biyernes, Mayo 27, 2011

ESTUDYANTE SA ESKWELA


Darating na naman ang pasukan. Magkakaroon na naman ng trabaho ang mga masisipag na mga guro natin at kailangan na naman nating gampanan ang tungkulin natin bilang isang estudyante. Sasakit muli ang mga ulo ng mga titser dahil sa mga pasaway na mga bata.

Pero problema pa rin ng Department of Education (DEPED) ang kakulangan ng mga guro, klasrum at mga kagamitan tulad ng mga uupuan ng mga estudyanteng papasok sa mga paaralan. Kahit may problema  ang DEPED, di na daw mamomroblema ang mga estudyante sa mga libro ang mga public schools dahil sa darating na Oktubre ay magiging 1:1 ang mga libro. Buti na lang wala ng paghahatian ang mga papasok sa eskwela pagdating sa libro.

Balikan natin ang nananatiling  mga problema ng Kagawaran ng Edukasyon. Kung taon-taon ay nagkakaroon sila ng pondo para sa edukasyon, nananatili pa rin na KULANG ito. Umaabot na ito ng BILYONES pero kulang. Samantalang ang ibang ahensya naman ng gobyerno ay halos yumaman na dahil sa mga nilulustay na pera sa pondo samantalang naghihirap ang mga tao! Kasali na rin kasi sa pondo ang mga sweldo ng mga guro na halos umabot na ng Php 4000 pataas kada buwan. Pero nangangailangan pa rin ang Pilipinas ng halos 143 000 na mga guro.

Ang mas lalo pa nilang problemahin, ang mga kulang na guro. Kapag nabawasan ang kakulangan, kailangan na naman ng halos napakalaking pondo para sa pagpapasweldo ng mga titser. Kasama na rin doon ang pondo para sa higit na 120 000 na ipapatayong mga kulang na mga klasrum at renovation ng libo-libong klasrum na may sira dahil sa kalamidad, o kaya naman ay luma. Dapat ay binabawasan ang pondo ang ibang mga ahensya na napatunayang ngpapayaman lang sa sarili.

Pero hindi lang ang DEPED ang may mabigat na suliranin. Meron din ang mga pamilyang mahihirap lamang. Dahil sa kahirapan, di na tuloy makapag-aral ang kanilang mga anak. Pero sa kabila ng mga pagtulong ng gobyerno, wala pa ring nararamdaman ang mga ito na kaginhawaan. Nahihirapan tuloy silang makahanap ng mga matitinong trabaho. At napipilitang magtrabaho ang mga menor de edad.
May mga nakikilala akong mga huwarang estudyante. Para sa kanila, di hadlang ang kahirapan para mag-aral. Ang mga kaklase ko nuong ako ay nasa huling baitang sa elementarya ay nakapagtapos  bilang Valedictorian at ang isa naman ay Salutatorian. Nang mapansin ito ng kapatid ko, napansin niya na ito ang mga tagabuhat ko ng bag noon. Ang sabi ko, may gusto lng silang gawin sa bahay kya binubuhat nila ung bag ko. O kaya naman ay gustong maglaro sa computer. Di ko sila sinasabihang buhatin ung bag, sila mismo ung gumagawa.

Ano na kaya ang mangyayari sa mga susunod na mag-aaral? Mararating pa kaya nila ang kinabukasan nila at ang kanilang mga pangarap? Sana.
Sana ay masolusyunan na ng gobyerno ang problema sa edukasyon, pati na rin sa mga trabaho. Pagtuunan nila ng pansin ang mga ito. Dahil kung may sapat na trabaho ang ama at ina ng mga tahanan, tiyak na makakapag-aral ang mga anak. Sana rin ay di na magkaproblema sa susunod na mga henerasyon ng mga estudyante. Pero kailangan din ng gobyerno ang tulong natin. Dapat  tayong mga Pilipino ay nagkakaisa para sa iisang layunin, ANG PAG-UNLAD NG BANSANG PILIPINAS.