Biyernes, Mayo 27, 2011

ESTUDYANTE SA ESKWELA


Darating na naman ang pasukan. Magkakaroon na naman ng trabaho ang mga masisipag na mga guro natin at kailangan na naman nating gampanan ang tungkulin natin bilang isang estudyante. Sasakit muli ang mga ulo ng mga titser dahil sa mga pasaway na mga bata.

Pero problema pa rin ng Department of Education (DEPED) ang kakulangan ng mga guro, klasrum at mga kagamitan tulad ng mga uupuan ng mga estudyanteng papasok sa mga paaralan. Kahit may problema  ang DEPED, di na daw mamomroblema ang mga estudyante sa mga libro ang mga public schools dahil sa darating na Oktubre ay magiging 1:1 ang mga libro. Buti na lang wala ng paghahatian ang mga papasok sa eskwela pagdating sa libro.

Balikan natin ang nananatiling  mga problema ng Kagawaran ng Edukasyon. Kung taon-taon ay nagkakaroon sila ng pondo para sa edukasyon, nananatili pa rin na KULANG ito. Umaabot na ito ng BILYONES pero kulang. Samantalang ang ibang ahensya naman ng gobyerno ay halos yumaman na dahil sa mga nilulustay na pera sa pondo samantalang naghihirap ang mga tao! Kasali na rin kasi sa pondo ang mga sweldo ng mga guro na halos umabot na ng Php 4000 pataas kada buwan. Pero nangangailangan pa rin ang Pilipinas ng halos 143 000 na mga guro.

Ang mas lalo pa nilang problemahin, ang mga kulang na guro. Kapag nabawasan ang kakulangan, kailangan na naman ng halos napakalaking pondo para sa pagpapasweldo ng mga titser. Kasama na rin doon ang pondo para sa higit na 120 000 na ipapatayong mga kulang na mga klasrum at renovation ng libo-libong klasrum na may sira dahil sa kalamidad, o kaya naman ay luma. Dapat ay binabawasan ang pondo ang ibang mga ahensya na napatunayang ngpapayaman lang sa sarili.

Pero hindi lang ang DEPED ang may mabigat na suliranin. Meron din ang mga pamilyang mahihirap lamang. Dahil sa kahirapan, di na tuloy makapag-aral ang kanilang mga anak. Pero sa kabila ng mga pagtulong ng gobyerno, wala pa ring nararamdaman ang mga ito na kaginhawaan. Nahihirapan tuloy silang makahanap ng mga matitinong trabaho. At napipilitang magtrabaho ang mga menor de edad.
May mga nakikilala akong mga huwarang estudyante. Para sa kanila, di hadlang ang kahirapan para mag-aral. Ang mga kaklase ko nuong ako ay nasa huling baitang sa elementarya ay nakapagtapos  bilang Valedictorian at ang isa naman ay Salutatorian. Nang mapansin ito ng kapatid ko, napansin niya na ito ang mga tagabuhat ko ng bag noon. Ang sabi ko, may gusto lng silang gawin sa bahay kya binubuhat nila ung bag ko. O kaya naman ay gustong maglaro sa computer. Di ko sila sinasabihang buhatin ung bag, sila mismo ung gumagawa.

Ano na kaya ang mangyayari sa mga susunod na mag-aaral? Mararating pa kaya nila ang kinabukasan nila at ang kanilang mga pangarap? Sana.
Sana ay masolusyunan na ng gobyerno ang problema sa edukasyon, pati na rin sa mga trabaho. Pagtuunan nila ng pansin ang mga ito. Dahil kung may sapat na trabaho ang ama at ina ng mga tahanan, tiyak na makakapag-aral ang mga anak. Sana rin ay di na magkaproblema sa susunod na mga henerasyon ng mga estudyante. Pero kailangan din ng gobyerno ang tulong natin. Dapat  tayong mga Pilipino ay nagkakaisa para sa iisang layunin, ANG PAG-UNLAD NG BANSANG PILIPINAS.